Epekto ng Coriolis
Sa isang umiikot na reference frame, ito ang epekto na idinudulot mismo ng pag-ikot sa anumang gumagalaw na bagay. Ipinangalan ito bilang parangal sa Pranses na inhinyero at matematiko na si Gaspard-Gustave de Coriolis (1792-1843), na siyang unang naglarawan nito nang matematikal, sa isang papel na inilathala noong 1835. Sa Daigdig, ang epekto ng Coriolis ay may tendensiyang ibaling ang landas ng mga bagay na gumagalaw sa ibabaw nito, pati na rin ang landas ng mga geophysical fluid mismo, kapwa tubig at hangin. Ang pagbaling na iyon ay pakanan sa hilagang hemisperyo at pakaliwa sa timog. Anumang dami ng hangin na gumagalaw sa atmospera ay napapailalim sa epektong ito, na lumilikha rito ng isang haka-haka o waring-tunay (apparent) na puwersa, na idinaragdag sa mga puwersang kumikilos sa hangin, tulad ng dulot ng horizontal pressure gradient, alitan (friction), o puwersang sentripugal, na tumatakbo lamang kapag pabilog ang mga landas.
Related terms: Puwersang Coriolis
Also known as: aselerasyong Coriolis