Nephele

Ang pangalang ibinigay sa diyosa ng mga ulap sa mitolohiyang Griyego. Ang diyosang ito ay hindi dapat ipagkamali sa mga ninfa ng mga ulap at ulan, na kilala bilang nephelai sa Sinaunang Gresya. Ang mga nilalang mitolohikong ito ay kabilang sa mga Oceanid; ang mga anak na babae ng Titan na si Oceanus at ni Tethys. Inilagay ni Aristophanes ( ca. 450-385 BC) ang mga ninfang ito sa Aether; ang itaas na rehiyon, sa itaas ng atmospera at sa ibaba ng kalangitang matigas (firmament).