nakatigil na frente

Isang malamig o mainit na frente na tumitigil sa pag-usad at humihinto, na nananatiling nakatigil nang mahabang panahon, na maaaring mula ilang oras hanggang ilang araw. Nagaganap ang kalagayang ito kapag ang itulak ng nasa likurang air mass ay biglang pinipigil ng nasa unahan. Kung minsan ay nagaganap ang sitwasyong ito kapag ang isang frente ay lumalapit sa isang hanay ng bundok. Ang hadlang na bundok ay nagawang pabagalin ang pag-usad ng frente at ito ay nadaong sa gilid na kaharap ng hangin, na nagdudulot ng patuloy na pag-ulan sa lugar. Ang isang frente ay maaari ding maging nakatigil kapag, sa zonang paghihiwalay ng dalawang air mass - kung saan matatagpuan ang frente -, dalawang daloy ng hangin na umiihip sa parehong direksiyon ngunit sa magkasalungat na dulo ay nagbabalanse. Kung minsan, hindi perpekto ang balanse ng puwersa sa pagitan ng dalawang air mass at kumikilos ang mga ito nang bahagya; sa ganitong mga kaso mayroon tayong tinatawag na semi-stationary front. Sa mga mapa ng panahon, ang mga nakatigil na frente ay kinakatawan ng isang makapal na linya na sunud-sunod na may mga pulang semicircle at asul na tatsulok, na parehong nakaturo sa magkasalungat na direksiyon.