radiasyon
Ang emisyon, pagkalat, at paglipat ng enerhiya sa anumang medium, sa pamamagitan ng electromagnetic wave (electromagnetic radiation) o subatomic particle (particulate radiation). Karamihan sa radiasyong umaabot sa Daigdig ay nagmumula sa araw, na sinusundan ng cosmic radiation, na, bagaman lubhang enerhetiko, ay nagmumula sa napakalayong bagay sa kalawakan (celestial object). Ang parehong agos ng radiant energy ay tumatawid sa atmospera mula sa itaas patungong ibaba, samantalang ang radiasyong inilalabas ng ibabaw ng Daigdig ay gumagawa nito sa kabaligtarang direksiyon, mula sa ibaba patungong itaas.