Klimang tropikal

Isang uri ng klima na katangian ng saklaw na tropikal, kung saan ang pangunahing marka nito ay ang presensya ng mahalumigmig na init sa buong taon, ang kawalan ng hamog na yelo (frost), at isang rehimen ng pag-ulan na may markadong katangiang torrential, na may isang panahon ng tag-ulan at isang panahon ng tag-tuyot. Sa klasipikasyong klima ng Köppen ito ay katumbas ng uring A. Sa mga lugar kung saan nagaganap ang klimang ito, bawat buwan ng taon, nang walang eksepsyon, ang average na temperatura ay higit sa 20°C (ibinababa ng ilang may-akda ang threshold na iyon sa 18°C). Itinatatag ng klasipikasyong iyon ang sumusunod na tatlong subtipo: mahalumigmig o ekwador na klimang tropikal (Af), monsoon na klimang tropikal (Am), at tuyo o savanna na klimang tropikal (Aw o As, depende kung ang taglamig o tag-init ang panahon ng tag-tuyot).